Rihanna Smith's boyfriend and step sister set her up. Ipinagbili siya ng dalawa, sa isang kilalang club na tumutugon sa pagnanasa at kasiyahan ng mga mayayamang lalaki. Sa kagustuhan makapaghiganti, pumayag siyang pakasalan ang isang bulag at baldadong lalaki na naging unang customer niya. But unbeknownst to her, the hottest Greek God she married turned out to be Dustin Crawford, a blind and crippled Zillionaire who could buy the entire city with the snap of his fingers. Ginamit ni Rihanna ang kapangyarihan nito, upang paghigantihan ang mga taong nagkasala sa kanya, ngunit lumabag siya sa kanilang kasunduan dahil nabuntis siya. After she got her revenge, she left him without saying a word, which broke his heart. Five years later, she's back as a billionaire's heiress even more stunning than before. Upon seeing her, he asked. "How come you left me when you're pregnant with my son, huh?" She replied, "Because our love game says we've done enough." He suddenly stood up from his wheelchair, gave her a passionate kiss, and said, "Wife, do you think If I were blind, I would marry you? Do you think a cripple could give you love and pleasure in bed? Our love game is not yet over; we're just getting started."
View More“Love, I’m sorry kung itinago ko sa ‘yo ang nangyari sa anak natin.” Yakap ni Dustin si Rihanna habang nakaupo sila sa couch sa kanilang veranda. Matapos nang mahabang kwento niya tungkol sa nangyari sa kanila sa Argos City nag-alala sya na baka magagalit na naman sa kanya ang asawa. Nakapikit si Rihanna habang dinadama ang mainit na halik ni Dustin sa leeg niya. Wala pa ring kupas ang pagmamahal nito sa kanya. “Naiintindihan kita, Love. Nangako na ako sa sarili ko na hindi magagalit sakaling maulit muli ang pagkakataon na katulad nito. Alam kong ginagawa mo lamang na maglihim sa akin dahil ayaw mong may mangyari sa akin na masama.” “Thank you, Love. Akala ko magagalit ka.” Nakangiting hinalikan ni Dustin ang tungki ng ilong ng asawa. “May karapatan pa ba akong magalit sa ‘yo? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa dahilan ng pagiging Black Mamba mo. Talagang lahat nang nangyari sa ‘yo sa nakaraan ay mayroong dahilan. Tulad nang nangyari kay Rhayan. Kung hindi ka nakagat n
“Luv, kailangan kita, kailangan ka namin ng mga anak mo. This is not the end of your fight. I want you to fight for us–”LIMANG ORAS ANG NAKALIPAS, bumalikwas ng bangon si Rhayan dahil sa mga boses na naririnig niya sa kanyang panaginip. “Hera!” Hinanap niya sa loob ng silid ang kanyang asawa. Siya lang ang mag-isa sa loob ng silid. Kung ganun hindi pa siya nakauwi sa asawa niya? Hindi pamilyar sa kanya ang silid na ito ngunit alam niyang nasa loob siya ng pribadong hospital dahil sa mga kagamitan sa loob. Tinanggal niya ang mga apparatu na nakakabit sa kanyang katawan. Nakapagtataka dahil bumalik sa normal ang lakas niya. Mas lalo pa nga siya nagkaroon ng lakas at tapang ngayon. Kinapa niya ang tiyan kung saan nasaksak siya ng espada. May bendahe ito at bahid ng dugo. Ngunit nakapagtataka dahil wala man lang siyang kirot na nararamdaman na nanggaling sa sugat niya. Akala niya katapusan na ng buhay niya. Naalala niyang ang Daddy niya ang huling nasilayan ng kanyang mga mata bago s
“Christ! Ate Hera!” Sigaw ni Dustniel nang makita ang ate niya na bumagsak sa sahig. Malapit ang silid niya sa silid ng mag-asawa at madadaanan talaga ito bago bumaba nang hagdan. Nakabukas ang pintuan kaya nahagip kaagad ng kanyang mga mata ang ate Hera niya na nakahandusay sa sahig. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa sister in law niya. Matapos niya itong ilipat pahiga sa kama agad niyang tiningnan ang laptop. Gusto niyang malaman kung ano ang natuklasan nito bakit ito hinimatay. Sa lahat silang magkakapatid, siya lang ang hindi nakikipag-usap kay Ciela ngunit alam na niya ang tungkol sa imbensyon na ito ng Kuya Rhayan niya.Ganun na lang ang pagkunot ng noo niya nang mabasa ang nakasulat sa laptop. “Ciela, please tell my wife, I can’t make it with her. My fight in this world is over.”“Fuck! Anong nangyari kay Kuya? Mu–” Sisigaw pa sana siya ng Mum, ngunit naipit ang dila niya nang naalala na may sakit pala sa puso ang kanyang ina. Mabilis niyang sinara ang pinto upang hindi
“Dad!” Napalingon si Dustin sa pinanggalingan ng boses ng babaeng anak. Nakita niya ito na inaalalayan si Seidon na halos hindi na makalakad. Nakalabas na ang mga ito sa Arena. “Fuck! Dharylle!” Sigaw niya nang makita na may humahabol pa rin sa mga ito. Matigas niyang nakuyom ang mga kamay habang patakbong sinalubong ang mga kalaban na humahabol sa mga ito. Kanina pa siya galit kaya naman balewala lang sa kanyang na pagsabayin patumbahin ang dalawa, apat, minsan limang kalaban pa na umatake sa kanila. Hindi niya alam bakit biglang dumami ang mga ito. Tila pati mga tauhan ni Nikiphoros at nagsanib pwersa na rin kay Aegeus. Si Murpheos sa sumusunod kay Dustin ay napahinto sa pagtakbo nang makita ang kaibigang Zillionaire sa muling laban nito. Kahit na may edad na si Dustin, hindi pa rin kumukupas ang lakas at tapang nito bagkus lalong nadagdagan pa. “Murpheos, I’m sorry, but I have no Choice! After this war, you will become the ruler of all cities of Greece!” Napaluhod si Murpheo
Si Rhayan nakahanda lang sa magiging hudyat ng kanyang ama. Bago pa man sila pumunta sa Argos City may sarili na silang plano ng Daddy niya. At isang pitik lang ng kanyang wristwatch kayang-kaya na niyang utusan si Ciela upang magbigay ng hudyat sa Rhayaknights na nakaabang sa himpapawid. “Get the slave out of the Arena.” Utos ni Murpheos sa kanyang mga tauhan. Ngunit bago pa gawin iyon ng mga tauhan nito ay sumenyas na si Aegeus sa mga tauhan niya na nariyan sa loob ng Arena na hawakan ang alipin na si Seidon. Lalong nagalit si Dustin nang makita niya ito. Ngayong nawalan na ng kontrol si Murpheos sa nangyayari sa dalawa wala na rin siyang pakialam pa sa maaaring mangyari sa lugar na ito. Si Seidon halos nanlalabo na ang kanyang mga mata habang matagal na nakatayo sa gitna ng arena. Wala na ring buhay si Baruka nang tigpasin niya ang lalamunan nito gamit ang kanyang fighting knife. Unti-unti nang naninilim ang paningin niya ngayon. “Love,” Parang matumba siya nang makita si Dhary
Di nagtagal nagsimula ang laban ng dalawa sa gitna ng arena. Si Dharylle humigpit bigla ang hawak sa braso ng Kuya Rhayan niya nang makita na sa unang atake pa lang ni Baruka muntik na agad natumba si Seidon. Mabuti na lang nakatukod ang isang kamay nito sa lupa bago pa matumba. Walang hawak na baril si Seidon kundi tanging M3 fighting knife na binigay sa kanya ni Crixus. Samantalang si Baruka ang hawak ay ang mahaba at matalim na metal, o madaling sabihin tabak o espada. Kung titingnan ang dalawa mas nakakalamang si Baruka dahil malayo pa maabot na ng espada na hawak nito ang katawan ni Seidon. Kung hindi magaling si Seidon sa pag-iwas, hindi matatapos ang round 1 may butas na ang tagiliran nito o pag minalas pa mapuputol pa ang ulo. Iyon ang eksena na hindi kayang tingnan ni Dharylle. Parang mauuna siyang mamatay bago pa man mangyari yun. Sa bawat pagtama ng espada sa katawan ng asawa niya, pakiramdam niya siya na rin ang natatamaan. Sa bawat tama ni Seidon ng fighting knife kay B
“Someone has sent you a letter, Your Majesty." Nagdilat ng mga mata si Nikiphoros nang marinig ang sinabi nang kanyang kanang kamay na si Albus. Kasalukuyan siyang nasa kasarapan ng kanyang pagpapamasahe ngunit istorbo itong alalay niya. Alam naman nitong bawal syang istorbohin ngunit ginawa pa rin nito. Tinapunan niya ito ng nagbabanta na mga tingin. Nakita niyang nakikiusap ang mga mata nito tila importante ang sulat. "From whom?" Bumangon siya at kinuha ang sulat. Sa unang tingin pa lang niya, mukhang nanggaling ito sa makapangyarihan. Binasa niya kung kanino nanggaling. “Morpheus of Athens?” Nagtataka niyang binalingan ang kanang kamay na alalay. Ngunit mahinang tango lang tinugon nito sa kanya. Nagtataka siya. Bakit sumulat sa kanya ang monarch ng Athens gayung hindi naman iyon nakikialam sa pamamalakad nya sa kanyang teritoryo? Sa lahat ng tribu, si Morpheus ang pinakamakapangyarihan, gayunpaman, bilang pinuno ng bawat tribu na pinamumunuan nila, nananatili ang respeto nila
“Ibig sabihin mas naging hi-tech na ngayon si Ciela?” Hindi makapaniwala si Dustin sa ikinuwento ni Rhayan sa kanya. Nasa harap sila ngayon ng laptop na exclusive lamang para kay Ciela. “Yes, Dad. Malalaman na natin kung saan si Seidon.” sagot ni Rhayan habang binubuksan ang laptop. Agad niyang na access ang program ni Ciela. Lumabas ang hologram nito sa laptop.“Kaya rin bang basahin ni Ciela ang nasa isipan ko?” biglang naisipan itanong ni Dustin. “Ibaon mo muna ang brain chip sa utak mo great master, baka sakaling mabasa kita." biglang sagot ni Ciela. Napangiwi si Dustin dahil sa narinig. Binalingan niya ang anak. “Ano bang klase ng butiki ang pumasok diyan sa utak mo at tinanim mo ang brain chip diyan sa utak mo? Ang lahat ng bagay may magandang naidudulot ngunit kapag sumobra ay hindi na maganda.” Nag-alala si Dustin para sa panganay niya.Ngumiti si Rhayan. “Normal pa rin ho ako, Dad. Huwag kang mag-alala, sa panahon ngayon hindi lang ako ang naka-imbento ng ganito. Ang ma
“Teka, sandali. Pwede mo bang ipakita sa akin–”“Right away, Master.” Mabilis na nagbukas ang screen monitor mula sa nakapalibot na glass wall. Hindi na lang nagreklamo si Rhayan nang hindi pinatapos ni Ciela ang pagtatanong niya. Nakalimutan niyang nababasa na pala nito ang isipan niya.“Ang lalaking ‘yan ang mastermind sa lahat ng mga nangyayari. Siya din ang sumira sa akin.”“Tangina!” napamura siya nang makita mismo ang mukha ni Atty Bennet na nakabalandra sa screen monitor. “Teka, paanong siya ang–”“Isa siyang psychopath.” Agaw ni Ciela sa itatanong nya sana. “Ciela, pwede bang tapusin mo muna ang tanong ko bago sumagot?” Nairita niyang wika.“Alin ba ang mas mahalaga, master? Ang bilis kong sumagot o, ang oras na sinayang natin dahil hintayin ko pa munang matapos ka sa pagtatanong mo bago ka sagutin? Anyway ikaw ang gumawa sa akin.”Napangiwi si Rhayan sa sinabi ni Ciela. May point din kasi ito. He’s just wasting time kung patuloy siyang magtatanong gayung nababasa naman ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.